TAGALOG LOVE POEMS

Ikaw (Tagalog Poem)



Sa aking puso, ikaw lang ang nag-iisa,
Pangako, wala nang iba.
Ang mukha mo palagi sa aking isipan,
Matibay talaga ang ating pag-mamahalan.

Palaging binabanggit ng puso
Ang unang pangalan ko dugtong sa apelyido mo.
Ika-dalawampu't siyam ng Pebrero naging tayo,
Hanggang magpakailanpaman ikaw ang aking mundo.

Labis ang kasiyahan na tawagin kitang akin,
Mahirap ipaliwanag ang nasa aking damdamin.
Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi,
Dinadasal ko sa Panginoon na ikaw ay mananatili.

Ang ideya mo, sa aking puso ay makalaktaw,
Mga paruparo sa tiyan ko gabi at araw.
Ang sakit na binibigay ng iba, mapapaalis mo,
Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko.

Sisiguraduin kong hindi kita paiiyakin o sasaktan,
Di parati ang lalakeng tulad mo ay aking matatagpuan.
Pagmawala ka sa akin, yan ay di ko makakaya,
Mamahalin kita palagi ng lubos, ito ang aking sumpa.

KAMAY NG BIRHEN



"Virgin's Hands" (1929) is beautiful, touching Tagalog poem by Jose Corazon de Jesus about how his love for a woman changed him for the better.  It has been said that the hands of a virgin have the power to transform even hardened criminals into good men.


KAMAY NG BIRHEN



Mapuputing kamay, malasutla’t lambot,
kung hinahawi mo itong aking buhok,
ang lahat ng aking dalita sa loob
ay nalilimot ko nang lubos na lubos.


At parang bulaklak na nangakabuka
ang iyong daliring talulot ng ganda,
kung nasasalat ko, O butihing sinta,
parang ang bulakiak kahalikan ko na.


Kamay na mabait, may bulak sa lambot,
may puyo sa gitna paglikom sa loob;
magagandang kamay na parang may gamot,
isang daang sugat nabura sa haplos.


Parang mga ibong maputi’t mabait
na nakakatulog sa tapat ng dibdib;
ito’y bumubuka sa isa kong halik
at sa aking pisngi ay napakatamis.


Ang sabi sa k’wento, ang kamay ng birhen
ay napababait ang kahit salarin;
ako ay masama, nang ikaw’y giliwin,
ay nagpakabait nang iyong haplusin.

TULA : Awa sa Pag-ibig

Ang tulang ito ay isinulat ni Jose de la Cruz na mas kilala bilang Huseng Sisiw.  This Tagalog poem was written by Jose de la Cruz, who is better known as Huseng Sisiw.
AWA SA PAG-IBIG


Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba
Mula at sapol ay gumiliw-giliw na,
Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa
Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.

Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,
Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,
At inilagak mong sabing nahabilin,
Sa langit ang awa saka ko na hintin!

Ang awa ng langit at awa mo naman
Nagkakaisa na kaya kung so bagay?
Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,
Iba ang sa langit na maibibigay.

Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,
Sa langit na hintin ang magiging habag?
Napalungi namang patad yaring palad,
Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.

Singsing ng Pag-ibig (Ring of Love)



Ito umano ay tinula ng makata nang inip na inip na ng kahihintay sa isang katipan na 'di dumalo sa tagpuan. This poem was reportedly written by Jose dela Cruz when he had become bored waiting for someone to show at their meeting place.
  SINGSING NG PAG-IBIG


Ah! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig,
Sayang na singsing kong nahulog sa tubig;
Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig!




This Tagalog poem was written by Jose de la Cruz.






RING OF LOVE


Too bad, too bad for my love, ah me!
Too bad my ring fell into the sea;
If no one but you could get it for me,
I'd rather wait till the sea ebbs away!




The English translation is by Bienvenido Lumbera

Tula : Kahit Saan (Wherever)

This Tagalog poem was written by Filipino poet José Corazón de Jesús.


KAHIT SAAN


Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo
na nang dumaan ka ay biglang tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!

Maikling Tula ng Pag-ibig : Her Eyes

This Tagalog poem was written by Clodualdo del Mundo.  It was inspired by the Japanese haiku form.
Ang Kanyang Mga Mata


Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim. . .


Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako’y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!

Takipsilim
ng isang pusong
di magtataksil!




ang kanyang mga mata
her eyes


dalawing bituin
two stars


kumikislap-kislap
glittering / shining


sa gitna ng dilim
in the middle of darkness

TULA : Ang Matampuhin (The Sulker)

This Tagalog poem was written by Lope K. Santos. It describes a woman who has a sensitive temperament. The mimosa plant is called damong makahiya in Tagalog.


ANG MATAMPUHIN
Damong makahiya na munting masanggi’y
nangunguyumpis na’t buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti’t
halik ng amiha’y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho’y tutupi’t
tila na totoong lanta na’t uns’yami.


Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangi’y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.


Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanya’y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.


Matingkad na kulay ng mayuming sutlang
kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na’t agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya’ y
pinamamahayan ng ipis at tanga.


Kalapating puting may batik sa pakpak,
munting makalaya’y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.


Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay
ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay
kaning maya’t-maya at, nakamamatay!

Dahil Sa Pag-ibig (Because of Love)

This Tagalog poem was written by Iñigo Ed. Regalado.

DAHIL SA PAG-IBIG
KAHAPON...
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.


NGAYON...
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.


BUKAS...
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y
mahirap mataya...

Sa Tabi ng Dagat (By the Sea)

This famous Tagalog love poem was written by Ildefonso Santos in 1897.




SA TABI NG DAGAT


      Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
      maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
      di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
      ang daliring garing
at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
      Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
      na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
      patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
      nguni’t walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
      Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
      gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
      doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
      hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
      Pagdadapit-hapon
kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
      sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
      Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
      lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...


Ang Awit ni Maria Clara

by José Rizal

Kay tamis ng oras sa sariling bayan,
Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay buhay,
Aliw ng panimdim pati kamatayan.

Maalab na halik ang nagsaliw-saliw

Sa labi ng inang mahal, pagkagising;
Ang pita ng bisig as siya'y yapusin,
Pati mga mata'y ngumgiti mandin.

Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay,

Doon sa kasuyo ang abot ng araw;
Kamatayan pati ng simoy sa parang
Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan.

Sa Tabi ng Dagat

by Ildefonso Santos

Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kata'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom na rosas!
Manunulay kata,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin;
patiyad na tayo
ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni't walang ingay,
hangganq sa sumapit sa tiping buhangin...
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nanginigmi,
gaganyakin kata
sa nangaroroong mga lamang-lati:
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdadapit-hapon
kata'y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw...
Talagang ganoon:
Sa dagat man, irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso
ay naaagnas ding marahang-marahan...

Dahil Sa Pag-ibig

by Iñigo Ed. Regalado

KAHAPON...
Sa tingin ko'y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo'y lason.

NGAYON...

Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa't makita,
pati ng libingang malayo't ulila
wari'y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala'y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo'y
nagwagi ang layon.

BUKAS...

Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa'y
mahirap mataya...

Ang Matampuhin

by Lope K. Santos

Damong makahiya na munting masanggi'y
nangunguyumpis na't buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti't
halik ng amiha'y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho'y tutupi't
tila na totoong lanta na't uns'yami.

Mutyang balintataw ng buwang maningning

sa salang mabiro ng masayang hangi'y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa'y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.

Malinaw na batis ng mahinhing bukal

na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan;
isang munting batong sa kanya'y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.

Matingkad na kulay ng mayuming sutlang

kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na't agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya' y
pinamamahayan ng ipis at tanga.

Kalapating puting may batik sa pakpak,

munting makalaya'y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.

Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay

ay wala sa pusong laging mapagdamdam;
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay;
lalo sa pag-irog, ang tampo'y di bagay
kaning maya't-maya at, nakamamatay!

Ang Kanyang Mga Mata

by Clodualdo del Mundo

Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim. . .

Tambal ng aliw

na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako'y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!

Takipsilim

ng isang pusong
di magtataksil!

Bayan Ko

by José Corazón de Jesús

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad

kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

2 comments:

  1. https://tripurahealthservices.in/5-best-tagalog-poem-about-love/

    ReplyDelete
  2. <a href="https://tripurahealthservices.in/5-best-tagalog-poem-about-love/>Tagalog Poem About Love</a> Y

    ReplyDelete